Maritime courses para sa Senior High School? Posible!
Cong. RICKY SANDOVAL February 12, 2018
HINDI natin maikakaila na Pilipinas ang numero uno sa buong mundo pagdating sa pagpapadala ng mga seaman o mga papasok sa maritime industry. Sa isang tala nga ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), aabot sa halos 460,000 na Pilipinong seaman ang naka-deploy sa iba’t ibang bansa.
Dahil dito, pwede nang ituring na nating capital of the world ang Pilipinas.
Hindi ito nakakagulat dahil bukod sa maganda ang kita sa industriyang ito, nasa lahi na ’ata nating mga Pilipino ang maging kumportable sa dagat.
Akalain mo nga naman na ika-lima ang bansa natin sa may pinakamahabang coastlines sa lahat ng bansa. Mas mahaba pa ang coastlines natin kumpara sa Amerika.
At dahil sa pag-implement ng K+12 program sa ating education system, may puwang ang curriculum ng ating senior high schools para sa technical-vocational courses (techvoc) gaya ng maritime courses. Napakagandang pagkakataon nito para sa mga anak natin sa Malabon City.
Bukod sa malapit tayo sa dagat, supportive din ang ating mga DepEd officials sa pangunguna ni DepEd NCR Regional Director Wilfredo Cabral at ating Schools Division Superintendent Dr. Helen Grace Go sa pag-introduce ng Maritime courses sa ating senior high school. Masaya nga ako na isa sa mga pangunahing tumutulong din sa atin sa planong ito ay ang representative ng ANGKLA Party-list na
si Cong. Jesulito Manalo.
Subok na sa mga adbokasiyang pang-maritime itong si Cong. Jess kaya hindi magtatagal, sigurado akong kahit graduate pa lamang ng senior high ang ating mga anak ay employment-ready na ito sa maritime industry.