You are here

Seaman, laking gulat nang malamang 'patay' na siya at may death certificate pa sa NSO

Seaman, laking gulat nang malamang 'patay' na siya at may death certificate pa sa NSO
Pebrero 7, 2020 https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/umg/725256/seaman-laking-gu...

Walang kamay-malay ang seaman na si Benedick Malonzo na 2016 pa pala siya "patay" dahil sa kagagawan umano ng dati niyang asawa. Nalaman lang niya ito nang mag-apply siya ng visa at makita niya mismo sa National Statistics Office (NSO) ang kaniyang death certificate.

Idinulog ni Malonzo ang kaniyang problema sa "Sumbungan ng Bayan" upang humingi ng payo kung ano ang puwede niyang gawin para "buhayin" muli ang kaniyang pagkatao sa mata ng batas.

Kuwento nito, matagal na silang hiwalay ng kaniyang misis na nasa abroad pero nagbibigay naman daw siya ng suporta rito kaya hindi niya akalain na papatayin siya nito sa dokumento.

Ayon kay Atty. Pen Cascolan, kapag sinabi ng NSO na patay na isang tao, sa mata ng batas ay patay na ito.

Kaya naman magkakaroon ng problema si Malonzo sa pagkuha ng mga dokumento o pag-apply sa trabaho kung magpapakilala siya sa persona ng taong may death certificate na.

Malaking palaisipan naman kung papaano napaniwala ang NSO na patay na si Malonzo, o kung lehitimo ba o peke ang death certificate na ibinigay ng ospital na nagdeklarang patay na siya at ipinadala sa NSO.

Bagaman may paraan umano upang mabuhay ni Malonzo ang sarili sa mata ng batas, hindi umano magiging madali ang proseso nito sa korte. Alamin sa video na ito kung papaano ito gagawin at kung maaari bang kasuhan ni Malonzo ang taong "pumatay" sa kaniyang sa dokumento? Panoorin.