Pagdinig tungkol sa nasunog na MV Mercraft 2, nagpapatuloy
Jun 22 2022 https://news.abs-cbn.com/video/news/06/22/22/pagdinig-tungkol-sa-nasunog...
MANILA – Tuloy-tuloy ang pagdinig ng pamahalaan sa kaso ng nasunog na MV Mercraft 2 kung saan nasa 7 pasahero ang namatay nitong Mayo.
“Yung investigation natin, natapos na rin. As a result, yung investigation report ay ginagamit ngayon sa continuous hearing namin dito sa Batangas,” ani Maritime Industry Authority (MARINA) Region 4 director Emmanuel Carpio.
“Titingnan natin kung ano talaga yung probable cause. Tuloy-tuloy ang hearing. Eventually, makikita natin kung ano talaga ang, sino ang may failure, negligence, on the part of the shipping company or even the officers, or kahit po ang ating sa gobyerno,” dagdag pa niya.
Ayon kay Carpio, titingnan din nila sa nasabing pagdinig kung ano pa ang maaaring ayusin sa pagpapatupad ng mga batas patungkol sa kaligtasan ng mga barko sa Pilipinas.
“We will strengthen yung ating enforcement d'yan sa lugar na 'yan,” aniya.
-- TeleRadyo, 22 June 2022